Mga Pamahiin Tuwing Sasapit ang Bagong Taon
Panimula
Isa sa mga natatanging occasion ang Bagong Taon, na taunang ipinagdidiwang sa ating bansa. Nakaugalian natin mga Filipino ang pagsalubong sa paparating na Bagong Taon. Kada taun-taon, tiyak na hindi mawawala ang handaan sa hapag kainan. Mga putukan ng mga firecrackers. Sa tuwing sasapit ang araw na’to, maraming paniniwala ang ipinasa sa ating mga Filipino ng mga nagsilipas na henerasyon. Kadalasan sa mga ito ay katawa-tawa at wala sa tamang lohika, ang mga pamahaiing ito ay pinaniniwalaang makakapigil sa malas at makakaiwas sa panganib na mangyayari sa papasok na taon. Ngunit ano nga ba ang masasabi ng Scriptures tungkol dito.
16 Popular na Pamahiin sa pagdiriwang ng Bagong Taon
1. Punuin ang bulsa ng mga bagong perang papel at barya, ikalat ang mga barya sa buong bahay.
2. Gumawa ng malakas na ingay at gumamit ng paputok upang takutin ang mga masasamang espiritu.
3. Magsuot ng polka dots dahil ang kahit anumang bilog ay nagpapahiwatig ng kasaganaan.
4. Tumalon ng 12 beses pagpatak ng hatinggabi upang tumangkad.
5. Maghanda ng 12 prutas bilang simbolo ng kasaganaan para sa bawat buwan.
6. Maghanda at kumain ng pancit para humaba ang buhay.
7. Buksan ang lahat ng ilaw sa bahay upang maging maliwanag ang paprating na taon.
8.Iwasan ang paghuhugas at pagsusuklay ng buhok upang maiwasan din ang malas sa buong taon.
9. Huwag maglinis o mag-walis sa loob at labas ng bahay sa unang araw ng Bagong taon upang hindi lumabas ang swerte.
10. Pag tumunog na ang ika-12:00 ng hating gabi bilang hudyat ng Bagong Taon, buksan ang lahat ng mga pinto, bintana, at aparador para pumasok ang swerte na dala ng Bagong Taon.
11. Iwasan ang gumastos ng kahit isang pera sa ara ng Bagong taon. Kung bibili ka, malamang matiging gastador ka sa buong taon. Bilin na lagat ng alam niyong gagamitin bago magbagong taon.
12. Wag magbayad ng utang sa Bagong taon, dahil hindi mo maiiwasan ang laging may utang.
13. Sa mga negosyante masama ang magpautang kung araw ng Bagong taon dahil hindi magkakaroon ng maandag kita są buong taon. Sa halip, maaring puro utang lamang ang mangyayari.
14. Magbilang ng prang papel sa harapan ng pintuan. Ang pagbilang ay papasok raw ang maraming pera. Gawin ito sa pagtugtog ng alas dose ng gabi.
15. Iwasan ang pagiging mainitin ang ulo o nakasimangot sa draw ng Bagong taon upang magin maayos ang inyong kalooban sa buong taon.
16. Mamalasin raw sa buhay kapag naglabas ng anumang kasangkapan sa iyong tahanan sa araw ng Bagong taon
REAL TRUTHS:
- Ang pag-unlad ng isang tao ay hindi nakasalalay sa anumang pamahiin o pampasuswerte. Hindi natin kontrolado ang sitwasyong mangyayari. Tanging ang Soberanong Dios lamang ay may kapamahalaan at kapahintulutan sa lahat ng bagay. Tinatawag ito na Probidensya ng Diyos
Ano ang mga gawa ng probidensya ng Diyos?
Ayon sa 1966 Baptist Affirmation of Faith, The Doctrine of God 4.1
Ang Diyos na Manlilikha, sa kanyang walang katapusang(infinite) kapangyarihan at karunungan, ay nagtaguyod at namamahala sa lahat ng mga nilalang at mga bagay sa pamamagitan ng kanyang pinaka matalino at banal na pangangalaga, ayon sa kanyang walang kamaliang (infallible) kaalaman at hindi nababago (unchangeable) na kalooban, sa kaluwalhatian ng kanyang hindi masusupil (invicible) at matuwid na hangarin.
Ganito naman sinasabi sa Baptist Larger Catechism,
Tanong 20: Ano ang mga gawa ng Probidensya ng Diyos?
Sagot: Ang mga gawa ng Probidensya ng Diyos ay ang Kanyang pinaka (most) banal, matalino (wise), at makapangyarihang pag-iingat (preserving) at pamamahala sa lahat ng Kanyang mga nilalang at lahat ng kanilang mga aksyon [ukol,para] sa Kanyang sariling kaluwalhatian.
Kung isusuma natin. Ang Probidensya ng Diyos ay natataguyod (sustains), nag-iingat (preserves) at namamahala (governs) sa lahat ng kanyang mga nilikha at sa lahat ng kanilang mga aksyon. Na ang pinaka-tanging dahilan ay ang kanyang kaluwalhatian at matuwid na hangarin.
- Ang pagkakaroon ng kasalatan o kasaganaan ng isang tao. Hindi ito ang factor upang magpatuloy at harapin ang sitwasyong kinalalagyan. Kundi ano ba nga ba ang mindset n'ya o pananaw sa buhay.
- Kahit na makamtam mo ang saganang buhay at masa yang pamilya. Maganda ang mga mga bagay na iyan. Kung hindi man may Higit na mahalaga sa mga iyan. Ang PAGKAKAROON NG TAMANG RELASYON sa Diyos
